Sunday, March 27, 2011

June 9, 2009

preparation at astoria plaza hotel


shoes -- syempre ang hinanap ko sana ay glass shoes ni cinderella kaya lang wala eh. wala akong makita. wala rin akong nahanap na pwedeng gumawa in less than a month so nagkasya na ako sa boccalo shoes.



the engagement ring. was given to me october 2008. while we are on our puerto galera trip. syempre dahil malaki size ko binalik muna sa jeweller at pina resize.



the gown.. from divisoria.

Wednesday, March 23, 2011

StOcHaStiC SeNtiMeNtS

will try to compile all random, spur of the moment thoughts:

wHeN u KnOw wHat WiL MaKe u HaPPy, u gRaB tHe OppORtuNity, sOMetiMeS tHeRe aRe nO mORe SecOnd cHanCeS!

sOmE tHinGS aRe nOt MeaNt tO LaSt...... tHey JuSt taKE a pLaCe iN yOuR HeaRt aNd MakE yOu SMaRteR tHe Next TimE.

MARRIAGE.....itS a LiFetiMe cOmmitMeNt.....LiFetiMe tO SuppORt eaCH OtHeR'S StRenGtH aNd EmBRaCe EaCh OtheR'S WeaKNeSSeS.........

"Simply put, you believe that things or people make you unhappy, but this is not accurate. You make yourself unhappy." -Wayne Dyer

"Advice is what we ask for when we already know the answer but wish we didn't." -Erica Jong

dEStiNy iS fOR LOSERS. itS jUSt a StuPiD eXCuSe tO Wait fOr tHiNGs tO HaPPeN iNStead Of MaKiNG tHeM HaPPeN. - Blair Waldorf

Tuesday, March 22, 2011

OuR bOhOL tRip......3Rd DaY

On our third day wala ako masyado kwento. Salamat sa lahat ng mga nag post sa PEX, SP at GT dahil sa kanila hindi ako masyadong nahirapan.

Maaga ulit kami nagising at pagkakain ng almusal sa W&G larga na papunta ng Panglao Island Nature Resort and Spa. Nasa kabilang side ito ng Panglao Island so hindi talaga pwede hindi mag rent ng van/car. I was able to negotiate to W&G at dahil hindi na nila kami na pick up sa airport because we were picked up by Kuya Tatsky, one way transfer na lang binayaran ko for PINR transfers. Daytour per pax costs 450 pero ok lang kasi 350 is consummable on food and drinks naman. So sa aming tatlo 1050 agad ang dapat naming ispend for our lunch.


eto ako..sunog! ;-) but still the view is breathtaking









haaayyyy....sobrang ganda talaga dito sa PINR.. and according to daddy bee isa ito sa magiging dahilan ng pagbalik nya dito. ;-D

OuR bOhOL tRip......2nD DaY






To continue with our Bohol Trip last June 2010, our second day started very early. Kay kuya tatsky na rin kami nakakuha ng mag island hopping sa amin. Call time was 5:30am so the night before we informed Whites and Greens that we will be having our breakfast around 5am and that’s one thing I want sa Whites and Greens madali silang kausap at halos lahat ng request ng guests pinipilit nilang ibigay. Like on our second night kinailangan na naming maglinis ng feeding bottles ng aming baby bennok. Since maalat ang tubig sa W&G, ang pinagamit nila sa amin ay ang bottled water nila sa dispenser at hindi nila kami siningil ng additional charges.

So going back to the sea tour, 5:30 am and the four of us are on the boat to the chase dolphins. Heheh really chase the playing dolphins. The sky is a bit makulimlim at that time maybe because the sun hasn’t completely up at that time. Marami na ring mga Bangka sa lugar and we were welcomed by playing dolphins. Buti na lang malinaw ang mga mata ni daddy bee, sya ang taga sigaw sa akin kung saan banda ang mga dolphins. We are not so lucky enough to have pictures of jumping dolphins kaya nag video na lang kami. Para akong bata kasi tawa lang ako ng tawa kasi natatawa ako dahil hinahabol namin at ng iba pang mga Bangka ang mga naglalarong mga dolphins.
Mga 30 minutes lang din kami dun kasi nawala na yung mga dolphin. Mga maaga talaga silang mga hayop (reference to early morning persons) heheheh. Kasi mga 7am pa lang tapos na sila maglaro. So our next destination was the balicasag island. Sa kasamaang palad I don’t have proof pictures that we went to Balicasag. Nakalimutan ko ilabas ang aking camera. When we docked here meron na agad mga lumpait sa amin para ihatid kami sa snorkeling spots. Sasakay kasi sa isang mas maliit na Bangka para dalhin doon sa snorkeling site. Akala ko nung una malayo yun pala malapit lang din dun. At syempre may bayad yun, hahahahha! Dito pa sa atin lahat may bayad. ;-) Nag enjoy naman ako sa pag feed ng mga fish dito. Napakasaya! Lalo na pag may hawak kang tinapay at lalapitan nila yung kamay mo that you almost touched them, haaayyyy napakasarap ng feeling. And so I missed my baby. Di bale pag malaki na sya babalik kami ng bohol and I let them experience the fish feeding. Snorkelling is also one of the things na kahit araw araw kong gawin hindi ako magsasawa, aside from swimming. I remember my first snorkeling was in Puerto Galera in 2004, super enjoy din dun kaya lang nung bumalik kami nung 2006 hindi na maganda ang corals at madumi na yung snorkeling sites sa Galera. 

Our snorkeling lasted for almost two hours o mahigit pa. Kaya pag uwi ko sunog na ako hehehe. Then we proceed to Virgin Island. Maaga pa nun kaya medyo lubog pa yung ibang part nung isla. Ganda rin dito, white sand kaya lang nung nahibas na kita na yung dumi, mga basura at yung mga maiitim na halamang dagat. For me this place is not ideal for swimming lalo na pag low tide. Ok pag high tide. Maganda talaga ditto sa lugar na ito kasi meron pa kaming nakasabay na mga Korean nagpi pictorial sa lugar na ito.






Nung nagsawa na kaming magpicture at marami na ring nagdadatingan we decided to go back to the resort. Kasi its almost lunch time na rin. We didn’t eat at Balicasag kc feeling naming mahal ang pagkain doon. So we went back to the shore in between Whites & Greens and Dumaluan.

Then we went straight sa mag lola na at that time ay namamahinga sa duyan sa ilalim ng mga puno. Masaya ang baby ko na parang relax na relax pati ang lola nya. Kasi pala kakagising lang nila. So we just prepared the things we need to bring then we asked the W&G personnel on possible transfers to Bohol Beach Club. Wala daw saka malapit lang naman daw so we decided to brave thru the scorching sun at naglakad mula W&G to Bohol Beach Club. Grabe ang init dahil tanghaling tapat na nun. Pero sa ganda ng BBC nawala ang pagod namin. At naghanap agad kami ng pool na paliliguan. BBC has three pools. But for daytour guests yung isa sa may unahan lang pala ang pwede gamitin. We didn’t know that until we went back after eating. Heheheheh. At dahil ayaw naming umalis sa pool nay un pinabayaan na lang kami ng guard. Malay ba namin noh. Buti na lang late na naming nalaman kc kung una pa lang hindi naman talaga kami magpupumilit pumunta sa mga hindi pwede. Kami pa, we’re disciplined individuals (naks!) Hindi ko na rin matandaan magkano ang daytour sa BBC. Magkaiba price pag weekdays and weekends. Part of it ay consumable pero medyo mahal pa rin binayaran ko when we had lunch at their restaurant. Mas mahal pagkain ditto sa BBC compared sa PINR. Ang ganda ng view sa may restaurant nila. Kaya after eating nagpa picture ako kay dadi bee, heheheh! Then we spend the whole afternoon swimming kaya negra na ako. Enjoy na enjoy kami kaka langoy. Lalo na si baby bennok tuwang tuwa sa pool. Mga 5pm ng makaramdam na kami ng pagod kaya picture picture na lang din at naglakad pabalik ng Whites and Greens Resort. Refreshing talaga ang tanawin sa dalampasigan ng bohol. Parang gusto ko nga lumangoy kaya lang low tide na. Pagbalik namin next week isa ito sa mga gagawin ko. We just ordered sinigang na isda sa Whites and Greens for dinner at natulog na kami ng maaga para sa panibagong lakwatsa sa susunod na araw.


















Monday, February 7, 2011

OuR bOhOL tRip......1St DaY

With our upcoming out of town in bohol and cebu sidetrip, I decided to at least relieve the first time we went to bohol.

March last year (2010) when Philippine Airlines had a seat sale. Luckily I got 2roundtrip tickets Manila Tagbilaran for only Php 2,834.00 for June 2010 travel. But a month after husband and I decided to bring our then 5 months old son. So it is understood my mom will also be joining this trip to help us attending to our son. Their airfare is a bit expensive than ours. I shelled out almost Php 4000 for 1 adult and a baby on lap’s air tickets. But I wouldn’t mind knowing that my mom will be happy to experience her first plane ride.

Here comes June 21, syempre hindi na kami masyado nakatulog sa excitement. Our flight is at 5:30 am and were at the airport as early as 3am.



The good thing with the first flight of the day is always on time almost 95% kumpara mo naman sa mga hapon na flights. Kaya 7am pa lang nasa Tagbilaran airport na kami. At paglabas naming ng airport andun na rin si Kuya Tatsky. Maganda at mukhang bago ang van na gamit ni kuya. Originally it was only me and hubby at dahil nadagdagan ang kasama we requested for a van and I will just shoulder the additional charges.
Dumaan muna kami sa grocery to buy the needed supplies. Drinking water, bread and mosquito repellent lotion for baby bennok.
The we decided to have breakfast as McDonalds before going to the Seaport para sunduin ang makakasabay namin sa daytour. Dito na rin naisipan ni baby bennok para sa kanyang daily ritual hehehehe. Buti na nga lang nasa McDo kami at that time. Then off to the seaport.








Around 8am dumating ang mga kasabay namin. Then dumaan lang din sila sa McDo to buy their breakfast at dumiretso na kami sa aming tour.
First stop was the Tarsier on the way going to Chocolate Hills. Here you can touch these big eyed creatures. But I opted not to, kakaawa kasi ang kwento ni kuya tatsky pag na stress daw ang mga tarsier ay they commit suicide. Kaya Pa picture picture lang kami dito. Nakakatuwa kasi hindi man lang natakot c bennok. Gustong gusto pa niya hawakan. Wala naman entrance fee dito meron lang donation box. And since natuwa naman baby ko I gave 50 pesos yata as donation. Saglit lang din kami ditto dahil gusto namin makarami heheheh.




Next is the Chocolate Hills. Sa daan pa lang marami rami na rin kaming nakikitang mga hills. Sinasabayan pa ng trivia and fast facts ni kuya tatsky.
To reach the view deck you need to climb around 200++ stairs for you to see this magnificent view:







Si Mamita na lang naghagdan pataas. Kami dahil dala naming ang stroller sa may gilid kami dumaan. Medyo nakakatakot kasi matatarik talaga ang daan pataas. It is quite high so you can just imagine kung gaano karaming pawis ang nailabas naming while our baby is sitting comfortably in his stroller. ;-)

Pero mawawala ang pagod when you see the beauty of Bohol’s pride, Chocolate Hills.

The Butterfly Farm was our next stop. For me as I have been to Sentosa in Singapore I think there’s nothing to rave about this place. An ordinary butterfly farm. Parang yung nasa QC Circle lang din. Pero OK na rin for an additional site to be visited in Bohol. My son enjoyed the flying colorful butterflies but for me Id rather take this out of my itinerary so I still have more time to spent by the beach. ;-) The ice candy is just OK for me. Medyo expensive din ang mga souvenir items dito.




Next was the Hanging Bridge. It was my first time to cross a bridge like this. Nagtatakutan pa kami ni daddy bee kasi natatakot daw sya pero napilit ko pa rin sya tumawid. Sayang kasi nandun na rin kami. Hindi naman pala nakakatakot tumawid sa ganung tulay. ;-)
You’ll also find souvenir items on the other side of the bridge. If you know how to haggle makakamura ka dito. You need to cross another hanging bridge to go back to the parking lot.



It was almost lunch time so we headed to the Loboc River Cruise. Price per head was Php400 for the Riverwatch. Included is the buffet lunch. Pero parang hindi naman buffet kasi hindi na na refill yung food. OK lang din for me yung food. Pwede ng masarap lalo na pag gutom ka na. Masarap daw sabi ng mga kasama ko eh pero ako hindi nasarapan ;-) or maybe because I was busy with my baby. The cruise was relaxing after the tiring morning weve had. Parang gusto ko nga matulog habang nag cruise yung banca.





Baclayon Church and Museum ang sunod naming pinuntahan. Dahil medyo pagod na ako hindi na kami bumaba. Yung mga kasama namin nagpa picture na lang din sila at dumiretso na rin ulit sa Blood Compact Site.

Then we headed to Hinagdanan Cave. What to see here?? Aside from the bats, you can see stalagmites and stactites. And the black pool, heheheh…. Pasensya eh maitim talaga eh. Sabi nila pwede daw maligo dun kaya lang nakakatakot naman yun. And the trek is slippery so be very careful if you will go here. Magagaling sana yung mga nagpipicture dun kaya lang lowbat na kami so low performing na ang aking camera. I hope when we comes back here may maganda na akong pictures.



Then after the pictures we tried to look for the souvenir items for sale here. Mas mura ang shirts dito as compared sa ibang luga na pinuntahan namin.

By the way, we also went to the phyton kaya lang wala akong pictures saka hindi ako natuwa doon kaya bumili lang ako ng peanut kisses. We also went to Bohol Bee Farm. And we tried their Malunggay ice cream and I should say masarap sya! ;-) There’s a lot to see and do in Bohol Bee Farm kaya lang mga pagod na kami kaya hindi na masyado nag ikot dito. I was able to buy pesto spread and honey for pasalubong sa mga matatanda. ;-)

To wrap up our first day Kuya Tatsky brought us to Whites and Greens Resort. At yung mga kasama namin sa Dumaluan Beach Resort. Nakakapagod pero busog ang aming mga mata at kaisipan sa mga ibinahagi ni kuya tatsky.