Friday, May 4, 2012

it'S mOre FUN iN jPaNG


I was born in the beautiful province of Jose Panganiban Camarines Norte. Kaya hindi pwedeng kalimutan o balewalain ko ang lugar na ito. Lalo na kung walang budget para sa isang mala boracay beach vacation. That's why when we realized that Holy Week 2012 will be a long vacation, in a flash, undoubtedly, we chose this place to have a break. 

sa JPANG park
And so we filed for our vacation leaves. And pack our things for our March 31 to April 8 vacation.
at lola mama geny's guest room
My generous aunt once again serves as our host for this long vacation. At dahil bakasyon, wala kaming walang ibang ginawa kungdi kumain, matulog, mag gala at magpa picture. This post will show some of these pictures and some stories behind this pictures.
My family from my father side came from Brgy. Osmena, Jose Panganiban, Camarines Norte. Sadly, our favorite friend google didn't know much about my hometown.

Brgy. Osmena o Pantalan ang tawag ng mga taga JPang sa aming barangay. Dulong barangay ng bayan ng Jose Panganiban, Pantalan dahil dito matatagpuan ang International Seaport ng Jose Panganiban.
When I was younger, I remember many huge and international ships used to dock here. To load copra and sometimes fuel. If you want to know more about the port see here Osmena Pantalan
 
Ang tabing dagat nung teenager pa ako ay mas malinis kumpara ngayon. Kung noong mas malinis hindi ako mahilig lumangoy dito dahil sa takot sa salabay, nitong huli kong uwi ay halos araw araw kami sa tabing dagat dahil sa anak kong mahilig sa swimming. Salabay, jelly fish na makati pag nadikitan ka at nakakamatay pag nahagip ang iyong pusod at mata. May mga ilan na ring namatay dahil sa sinasabi nilang nasalabay, madalas mga kabataan.
Hindi na nahintay ni bennok ang kanyang swimming attire at nagmamadaling lumusong sa tubig.
Sa ngayon, pwedeng pwede pa namang maligo dito. Sana lang mahigpit na ipinapatupad ang mga kautusang nagbabawal ang hindi tamang pagtapon ng mga basura lalo na sa mga komunidad sa tabing dagat. At sana rin lang maisip nilang pahalagahan kung ano ang mga biyayang naibibigay ng dagat sa kanila kaya dapat nilang alagaan at wag balewalain ang unti unting pagkasira at pagdumi ng tabing dagat. Nakakalungkot isipin na nagbubulag bulagan ang mga taga rito at walang gustong simulan ang paglilinis. 

So back to the vacation. Bennok on the morning we are set to visit carol and calalanay islands. 
 
We first went to Carol Island, just a 20 minutes boat ride from Brgy. Osmena Jose Panganiban Camarines Norte. Unfortunately according to the caretaker he cannot accommodate us on that day since the owners are arriving any minute, we just headed to Calalanay Island.
Upon reaching the island, we were amazed that such a serene island like Calalanay do exist just less than an hour boat ride from my hometown. Exag pero oo, ilang taon akong tumira doon pero ngayon ko lang nalaman na maganda pala talaga itong Calalanay Island na ito.
camping at the Calalanay Island
Naghanap lang kami ng masisilungan ng aming tent at kaagad na kaming lumangoy. Ganun kami kasabik sa dagat. 
Calalanay Island is still part of Jose Panganiban Camarines Norte
 That day our group was the only group in the island, well aside from the caretaker of course. May mga ilang bangka na napapadaan, meron ding isang nag tanong marahil sa caretaker at umalis rin agad. So sa madaling salita, nag feeling may ari kami ng isla. heheheheh
Usap usapan ng mga alam nyo na, ang mga Padilla daw ang may ari ng islang ito. At dito rin daw sa islang ito noon nagpalipas ng mga araw si Robin Padilla noong kasagsagan ng possession of firearms case nya.
Sunog na si bennok


After lunch when we went to the other side of the island.
The small island on the upper left side of the picture is the Carol Island at yung malaking island sa right doon kami galing.
Some of our shots taken at the other side of the island.

Obvious bang nag enjoy talaga kami sa Calalanay??!! Pangako namin na babalik kami ulit dito at susubukang mag overnight. At syempre pupuntahan di namin ang ibang kalapit na isla.
Bukod sa pier, dagat accessible din ang bundok dito sa barangay namin.

View from the Osmena Elementary School. I remember during our days kitang kita mo ang pier from this angle. This is where I used to spend my hours in the afternoon lalo na nung mga panahong naiwan ako dito. Natatakpan na ngayon ng mga puno, pero ok naman, ok lang kasi mga puno yan.
nagpa picture din si bennok sa school
Taken the day after we went to Calalanay. Maga mukha ni bennok dahil sa kakatulog. 
 
We also got to visit some of our cousins, at sobrang nag enjoy talaga ang anak ko dahil marami syang kalaro.
Picture at lola mama geny's garden. Construction is still on going para sa mala resort daw nyang lugar. She has high hopes for this place. I must admit ako rin umaasa na sana mabigyan ng pansin ng local government ang lugar na ito. I remember noong bata pa ako sabi ko bibilhin ko yung islang malapit dito sa amin at patatayuan ko ng resort, one way of generating employment and income para sa mga kababayan ko. Bakit hindi? Ang barangay namin ang pwedeng jump off sa mga islang naggagandahan, na pwede pag bakasyunan. Nandyan ang Calalanay, Padone (i dont know the exact name), Carol Island, Parola, sa Calibigaho maganda rin daw ang beach dun. At dito rin kami nagsimula nung aming byahe sa Calaguas. Kung hindi nga lang ba madumi ang tabing dagat namin mas marami ang makikinabang dun. Katulad na lamang nung Easter Sunday, maraming pumunta dun para maligo. Sana nga lang talaga.... Sana......

Isama mo pa itong pier na ito. Kung sana nagagamit ng mahusay at sa tamang paraan lang sana sa tingin ko magkakaroon ng pagkaka abalahan ang mga tao doon sa amin. At magkakaroon pa sila ng dagdag na kita, talking about basic economics, effect to population growth, personality development and community development.
taken at the unfinished rooftop of mama geny's mansion

For the 9 days of our stay in Osmena, hindi kami nainip dahil sa maraming pwedeng puntahan, pasyalan. Sa totoo lang nalimitahan pa kami dahil meron kaming kasamang bulilit. At hinding hindi kami magsasawang balik balikan ang lugar na ito, dahil malay natin isang araw magkatotoo ang mga pinangarap ko.Sana nga po...Sana.....

No comments:

Post a Comment